
CREDIT: http://www.toureiffel.paris/templates/tour_eiffel/img/home_360.jpg
Paris ba kamo? Dito matatagpuan ang isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo at ito ay tinatawag na EIFFEL TOWER. Ang EIFFEL TOWER ay isa sa mga pinaka-dinarayo ng mga tao. Napaka-ganda ng lugar na ito kaya naman marami ang gustong pumunta rito. Gusto ko rin pumunta sa lugar na ito dahil dito, pwede ako makagawa ng magaganda at masasayang karanasan. Pero bakit nga ba gusto kong pumta sa EUFFEL TOWER?
EIFFEL TOWER ang isa sa mga pinaka-gusto kong puntahan dahil kahit naman ko naman na hindi ako makakapunta dito, gusto ko mparing makapunta. Kahit sa litrato ko palang ito nakikita, alam kong ito ay napaka-ganda. Ito ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay nakagandahan ng lugar na ito. Isa ako sa mga gustong makapunta rito. Kung ako ay makakapunta sa Paris, sisiguraduhin ko na ako ay makagagawa ng magagandang ala-ala na mayroon ang iba tuwing pumupunta sila rito. Sigurado naman na lahat ay nagagandahan dito dahil sa itsura at view na binibigay nito sa ating mata. Kaya nakatitiyak ako na marami ring gustong sumama riyo.
Ito ang napili kong puntahan dahil hindi ito nakakalimutan ng maraming tao, at ako rin, kahit sa litrato ko palang ito nakita, hindi ko rin makalimutan. Isa pa, napaka laki ng ibinibigay na kaligayahan sa mga turistang pumupunta sa lugar na ito, hindi lang dahil maganda ang lugar na ito, dahil na rin sa mga ala-ala na nabubuo nila rito.